Saturday, February 03, 2007

On the Go and Overwhelmed


Natulog ako ng 4am kanina, woke up at 9am, iniisip paano ko matatapos ang progress report ng CICF na dapat ipasa sa OSA. Pagkagising ko, sakto,tensionado dito sa bahay sapagkat kailangan ng aking ina ang magpadala na ng pera ang aking Ama. At kapag usapang pera, umiinit na ang mga ulo ng aking mga magulang. Hindi pa rin ako tapos sa aking gawain,ngunit kailangan kong mamagitan sa aking mga magulang kahit na sa telepono lang sila nag-uusap. Nananalangin ako na hindi sila magkataasan ng boses sa pag-uusap. Muli, kumain ito ng panahon na dapat ay ginagamit ko sa pag aayos ng problema ko sa pagpasa ng mga requirements.
Pabalik-balik ako sa mga ginagawa ko, hanggang sa nakagayak na ako upang umalis, ay naiwan ko sa pinakaimportanteng bagay na dapat ay madala ko sa paaralan.Ang USB.Mula sa kanto ay naglakad muli ako pauwi sa amin upang kunin ang naiwang importanteng bagay. Mabuti na lang ay nakasakay ako kaagad.
Hindi ko alam kung bakit sobrang trapik nung malapit na kami sa Quiapo. Umalis ako ng 12:45 sa bahay, Nakarating ako ng Taft ng 3pm.nakatulog na ako at lahat sa bus,hindi pa rin umuusad.
Nang makarating ako ng SM manila upang magpadevelop ng mga litrato mula sa Digicam, aba'y nasira ang budget ko. Buti na lamang at may pera pa akong extra. Buhat buhat ang mga sandamak-mak kong kagamitan para sa Progress Report ay naglakad ako upang sumakay ng Jeep papunta ng paaralan. Pag dating ko,mabuti na lang at nasa CICF office sina Always at iniwan ko muna ang aking bag at ibang gamit, at sinabihan ko silang simulan na ang pag-aayos ng gamit.Pagkatapos,Ibinigay ko ang mga posters, pinatatakan at ipinakita kay Ptr. Gemma. natuwa sya sa aking ginawa.Yun ay nasa ikatlong palapag ng PCU...Haay..nakakapagod.Pagkatapos, ay naghanap pa ako ng maayos na Xerox Copier upang ipaxerox ang files na ginawa namin.nagmamadali akong lumabas ng PCU at nagmamadali din ihinatid ang mga files na pipirmahan ni Tita Diade. Nang bumalik ako sa CICF Office, inaayos na muli namin ang mga records. Mga ilang sandali, Pinatawag na naman kami sa Chaplain's office upang pagusapan ang gagawin sa lunes. At pag baba ko, ay may meeting na naman akong pinuntahan sa USG at COP. Buti na lamang at patapos na rin kami sa report namin, at naipasa namin sa OSA (Office of the Student Affairs) ang report. At nagsimula din kami sa aming Accountability Group with Mommy Eden. Napagdesisyunan na gawin ito sa Mcdo. Ang official tambayan rin namin.
Walang kamatayang Hopes and Dreams ni Mommy Eden ang pambungad na sharing. Pagkatapos, nagsharing din kami sa Leadership Principles ni Jesus. Pagkatapos, pinasulat nya kami ng Commitment Letter for Jesus...Ayun na...nagsimula na ang aming Worship in Tears. Kasi naman ang Lord, WALANG KAKUPAS-KUPAS ANG SALITA NYA,KATOTOHAN AT KAGANDAHAN NYA...Haay,Kahit mahirap, andyan parin Siya... Kaya ayun, Nakita muli namin ang aming kalagayan sa harapan ng Diyos at kung gaano Siya kabuti sa amin.Halo halo na ang ibig sabihin ng aming mga luha...Kagalakan, Kapaguran at pagpapasalamat sa Kanyang kadakilaan. Naishare ko din bago kami umuwi na, "Please pray for me, I'm in the process of Healing.." at muli ay naiyak na naman ako...Pambihira, sa Mcdo, ang dami ko nang moments na umiiyak dun!!!
Ang galing ng Panginoon gumawa ng kwento sa isang ordinaryong araw. Akala ko, matagal na naman bago ko maranasan yun...
At sobrang saya ko na hindi ako Ate sa grupong iyon. Na makikinig lang ako, magbabahagi, pero hindi ate...hehehe...Dream came true.
At muli, kwentuhan kami ni Mommy Eden pag uwi...medyo natagalan ako nakaabang ng Jeep, nung pagsakay ko, feeling ko, mabait si Manong Driver.Kaya pinagpray ko siya, "Lord, pagbaba ko, paki puno po itong jeep. Mabait kasi si Manong at naghahanap buhay..." kaya nung pagbaba ko sa Tandang Sora, sunod-sunod ang mga pasaherong sumakay, at mukhang napuno nga ang jeep. Hehehe...ang Galing ng Panginoon! simpleng panalangin e sinasagot Nya. Bawing bawi ang kangaragan ko ngayong araw...at may mga bonus pa na hindi mababayaran.
Sana makapag exam na ako next week.wala lang ako pambayad ng completion form kaya di ako makapag exam...Help me Lord ulit dito...
Basta...Ang GALING GALING GALING NG PANGINOON!!! WAAAHHH!!!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...