Wednesday, May 03, 2006

Pwede Naman

Pwede Naman
Pwede namang ayawan na
Pwede namang wala nang pakialamanan
Pwede naming magbingi-bingihan
Sa mga bagay na dapat pakinggan.
Pwede naming magpasaway at bumalik sa dating buhay na walang gumagabay
Pwede naman…pwede naman

Ngunit pinili ko ang manatili
Tahakin ang landas na hindi kaakit-akit
Pinili ko ang maglingkod at magmahal
Sapagkat minsan nang naranasan ang pag-ibig na wagas
Mahirap. Hindi madali, ang panindigan ang pinili.
Ngunit…ngunit
Buhay na walang hanggan at pag-ibig na
Nagdulot ng kamatayan sa aking Panginoon
Hindi mapigilan ang mapaluha at mag-isip.


Pwede naming hindi tanggapin
Ang pag-ibig na alay sa akin
Pwede naming ayawan na sa
hirap naKatapat sa pagsunod sa daan ng tunay na buhay.
Pwede naman…Pwede naman.

Ngunit pinili kong manatili
Bigyang lugod at ngiti sa labi
Ang Diyos na nagbigay buhay sa akin
Pwede rin naming manatili sa Kanyang pag-ibig
At magpatuloy sa landas na dapat tahakin.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...