Kanina, After lunch and after church, Cousin ko, si Rin-Rin ay naglambing sa akin na mag ARTS raw kami, I asked her what kind? sabi nya kahit ano raw. Kaya, nilatag ko ang wonder banig, nilabas ang mga art raw materials. She made a birthday card na unique at maganda, while I'm trying to finish my papier mache. Grabe, talented ng pinsan ko, She's so good in playing guitar, Drawing at ang panalo sa lahat ay ang pagiging tahimik nya. She can be with you for hours na walang reaction o salita. That doesn't bothered me. inggit nga ako sa kanya , meron siyang ganung reputation. Di tulad sa akin may expectation mag salita, at kapag nagsalita naman ako, mamimiss-interpret. Hahaha! Ironic talaga.
Tumawag si nanay kanina, wala lang akong ganang kausapin siya kasi pera na naman ang topic. I'M SO SICK ABOUT MONEY MATTERS. Iba na talaga ang dating kapag pera na ang pinag-uusapan. Parang mas importante ang magtipid kaysa ang kamustahin ako.(Haha! magdrama daw ba?!?) Oh well, the brighter side of my situation now is I'm learning to pray intelligently for my family kasi wala akong magawa sa situation namin. Ang disadvantage, Hindi ako makapagshare sa phone. I'd rather listen sa mga kwento kaysa ako ang nagkukwento. I just feel that the other party is not interested to my story. Rather, It's just me. Hindi ko lang talaga feel magkwento over the phone. Kahit nga sa tatay ko.
Days that passed, same pa din ang nararamdaman ko. I just thank the Lord sinasamahan nya talaga ako. He keeps me sane.Still experiencing the dose of my weird prayers.
May toyo ako kanina, I admit. I can tolerate some mistakes, But I guess kapag ang mistake na na commit ng tao ay opposed sa values na mayroon ako, I find it hard to to forgive. I am learning and understanding myself sa phase na ito ng buhay ko. I know should not be like this. Kasi there will be more and more people who will hurt me. I will not let it happen.
I can not disciple all. But I'm praying for 4 high school girls na pwede kong idisciple. Yung potential. At higit sa lahat, yung marunong makinig.
I am telling Pastor kanina na it is interesting to research on (and find?) guys who grew to manhood with an exceptional, if not good character , even if they grew up without a father. Kasi naman, we all know Fathers have crucial role in a child's life. And we say in fact or in theory na kaya nagiging bading o barumbado ang isang lalaki because wala siyang Ama.
I know a good guy-friend of mine na bata pa lang, wala na siyang Ama, napatay(?) But as I observe him, He is one of the gentlemen I know existing.Hehehe...I need to know others pa.
Which reminds me, I want to research on youth culture. Sana research ang work ko after I graduate.
Hmm... these are my rants for today.I'm missing my siblings so much.
No comments:
Post a Comment