I Just realized, nung bagong Christian ako, or nung 1st time ko magdesire na lumago sa Panginoon, I asked for His Will...ahem, ahem, this is not the usual context ng "God's will" on waiting or looking for future partners, But to really know God's will in my life. Alam ko na nga ba? But in my present state, I can say na nalaman ko na, and that is to fall in love with my Savior each day.
Ngayon naman, level up na ba ito? I'm asking my Lord what is His calling for me after college life? I learned from mentors, mga ate sa pananampalataya,na ang Calling ng Lord may alter. Basta, gets ko sila. Dati yung fear ko sa calling ay baka ipadala ako ng Lord sa lugar na hindi ko feel, or hindi ako competent, pero magaling ang Lord. Hindi naman siya berdugo at sadista na ipipilit ang mga bagay na "hindi ko feel" hinuhubog Niya ang puso ko ayon sa nais nya. which is beautiful.
But my problem now, which also freaks me out is ang mga doubts. No question na mahal ko ang mga ginagawa ko, But what if what I'm doing and giving is not enough? Feeling ko magiging palpak ako.
Minsan na-vavibes ko na sobrang laking expectations ng mga tao sa akin, e escape artist ang inyong lingkod, kaya minsan gusto ko na lang maglaho. Kaya minsan ayaw ko magvolunteer (but if i-vovolunteer ako ng iba, ok lang..hehehe) kasi baka hindi ko kayang panindigan.
Buti na lang at the end of the day, gusto ng Lord ko na maging Anak lang Niya ako in His presence. Walang credentials,positions, etc. Just a child in His arms.
So, sa lahat ng pinasilip ng Lord na doors sa akin, saan nya kaya ako papapasukin after I graduate? And I pray na I'll graduate gracefully.
Thank you Lord!
May exams pa ako bukas.
No comments:
Post a Comment